
Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite ng 964-page draft bill sa bagong Omnibus Election Code sa Kongreso bago matapos ang taon.
Ibinunyag ito ni COMELEC Chairman Geroge Erwin Garcia habang tinalakay niya ang pangangailangang palakasin ang kanilang awtoridad na arestuhin ang mga lumalabag sa mga batas sa halalan, partikular na ang maraming registration at ang mga sangkot sa vote-buying at vote-selling.
Aniya, mayroon nang draft bills sa Senado at House of Representatives, ngunit isinama sa version ng Comelec ang lahat ng iminungkahing rebisyon sa Omnibus Election Code.
Ayon kay Garcia, kabilang sa mga probisyon nito na dapat rebisahin ay ang pagbabawal ng pag-aresto sa panahon ng kampanya.
Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal, na ang probisyong ito ay “impliedly repealed” ng 1987 Constitution dahil pinapayagan nito ang pag-aresto ng walang warrant.
Ipapalagay ng Comelec na ang sangkot na kandidato ay “guilty of vote buying,”.
Sinabi rin ni Garcia na makikipag-usap sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council para tukuyin ang mga indibidwal na gumagamit ng mga makabagong paraan ng paglilipat ng pera para bumili ng mga boto.










