Ilang araw bago ang nakatakdang deadline, iniulat ng Commission on Elections na nasa 90% electoral board members na nagsilbi noong nakalipas na May 9 elections ang nakapagclaim pa lamang ng kanilang honoraria.
Kung kayat hinimok ni Comelec deputy executive director for operations Teopisto Elnas ang mga poll workers na kumuha ng kanilang compensation dahil mayroon lamang 15 araw ang poll body para maibigay ang naturang honoraria salig sa batas.
Maaaring maclaim ng electoral board members ang kanilang honoraria sa opisina ng kanilang election officer.
Liban pa sa regular na sahod na natatanggap, mayroong ibibigay ang Comelec na P2000 bilang karagdagang honoraria sa bawat poll worker na nagkaroon ng mga issues at pagkaantala ng mga VCMs sa polling precincts kung saan sila naitalaga noong eleksiyon.
NAsa 2,308 na mga presinto kung san naitala ang mga aberya sa VCMs ang mabibigyan ng karagdagang honoraria.
Ayon naman kay Election Task Force Head Atty. Marcelo Bragado Jr., nasa 647,812 personnel ng Department of Education ang nagsilbi bilang poll workers noong halalan.










