Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na ang mga sinanay na guro lamang ang hahawak ng vote counting machines (VCMs) sa araw ng halalan.
Ginawa ng kagawaran ang pahayag matapos lumabas ang mga ulat na ang ilang tauhan sa Cotabato City ay pinalitan ng mga untrained.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad doon at tinutugunan nila ang problema.
Ang mga handler ng VCM, aniya, ay dapat mayroong sertipikasyon mula sa Department of Science and Technology.
Paninindigan ng Comelec kung ano ang nakalagay sa ating guidelines na dapat ay makakapaglingkod lamang na mga miyembro ng electoral boards ay yung mga na-train sa napakahabang araw.
Samantala, sinabi ni Garcia na ni-reshuffle ng poll body ang ilan sa kanilang mga field officers sa Bangsamoro dahil sa pangangailangang “mag-ayos” sa ilang lugar.