-- Advertisements --
comelec abra

Nakatakdang bumisita ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ng Abra sa Huwebes matapos mag-withdraw ng kanilang kandidatura ang halos 250 kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na si Executive Director Teofisto Elnas Jr. at Deputy Executive Director for Operations Rafael Olaño ay titingnan ang sitwasyon sa lalawigan.

Aniya, gustong alamin ng Comelec kung ano ang tunay na nangyayari sa Abra .

Ang halos 250 na kandidato ay nag-backout diumano dahil sila ay pinayuhan ng mga nakakatanda sa kanila.

Matatandaan na noong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr. na sinusuri ng PNP ang biglaang pagdami ng mga kandidato sa Abra na bumaba sa kanilang kandidatura

Noong Oktubre 18, sinabi ng Comelec na nakatanggap sila ng inisyal na ulat na isang kandidato para sa BSKE sa Bucay, Abra ang binaril.

Aniya, kabilang sa mga posibleng dahilan ay ang pagbabanta laban sa mga kandidato.