
Naglabas ang COMELEC sa kanilang website na mada-download na ang Certificate of Candidacy (COC) forms para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Oktubre 30.
Ayon sa COMELEC, ang website ay naglalaman ng mga mada-download na form kaugnay ng Filing of Certificates of Candidacy.
Maaaring ma-access ang page sa comelec.gov.ph.
Ang mga COC form ay para sa “punong barangay”, at sa mga miyembro nito, Pati na ang tatakbong “chairperson”.
Gayundin Para na rin sa mga miyembro para na mga aspiring SK officials.
Dagdag NG COMELEC, ang COC form ay dapat i-print sa magkabilang panig o harap at likod ng folio na may sukat na 8.5″x13 o 8.5″x14″.
Una na rito, ang panahon ng paghahain ng mga COC ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.