-- Advertisements --

Sinimulan na ng Comission on Elections (COMELEC) ang pag-imprinta ng mga balotang gagamiting ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim MIndanao (BARMM) sa Mayo 9, 2022 automated elections.

Sa kaniyang Twitter, nagpost si COMELEC spokesman James Jimenez ng video ng paglilimbag ng mga balota.

Dagdag pa nito na halos 700,000 na balota para sa Lanao del Sur na rin ang nalimbag.

Natapos na rin aniya ang paglimbag ng mga balota na gagamitin sa manual local absentee voting na nagsimula noong Enero 20.