-- Advertisements --

Nagbabala si Commission on Elections Chairman George Garcia sa mga may balak tumakbo sa 2025 national and local elections na maging vigilante laban sa mga sindikatong humihingi ng pera kapalit umano ng pagkapanalo sa eleksiyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Garcia na may natanggap silang ulat sa ilang lugar sa bansa na nagpapakilalang may koneksiyon sa Information Technology department ng Comelec kung saan tutulungan daw silang manalo. Humihingi umano ang mga ito ng 100 million pesos. 

Ang estratehiya raw ng mga sindikato ay sasabihing magbabayad na in advance ang kalaban pero dahil mas gusto raw nilang manalo ka ay baka pwedeng kayo na ang unang magbayad para sigurado na ang pagkapanalo sa eleksiyon.

Makikipagtulungan na raw ang Comelec sa National Bureau of Investigation o NBI hinggil sa isyu.