Mariing kinondena ng Comelec Employees’ Union ang pagpatay sa Mutia, Zambanga del Norte Election Officer at Maricel Adritico Peralta sa nangyaring ambush kahapon.
Kaugnay nito nanawagan ang Comelec employees’ union calls sa lahat ng mga miyembro na magsuot ng kulay itim sa araw ng bukas, Sabado, June 11.
Kasabay nito nanawagan din ang grupo sa mga otoridad na wag palampasin ang mga suspek sa naturang krimen at mabigyan ng hustisya sa lalong madaling panahon mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.
Una rito, kasama rin si Election Assistant Marites Inding sa loob ng sasakyan na nakaligtas ng mangyari ang pananambang.
Sakay ang suspek sa motorsiklo nang paulanan ng bala ang biktima na si Engr. Peralta.
Samantala, maging si Comelec acting Chairman Socorro Inting ay nagpalabas din ng statement upang kondinahin ang pagpatay sa kanilang elections officer.
Tiniyak din ni acting chairman Inting na patuloy din ang kanilang koordinasyon sa PNP upang makatulong sa imbestigasyon.