Magsasagawa ng counter checking ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa ilang mga reklamong kanilang natatanggap sa ginanap ng overseas absentee voting.
Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may ilang mga overseas Filipino voter daw ang nakatanggap ng mga voting receipt na wala ang kanilang pangalan ng mga napupusuang kandidato.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, magsasagawa ng verification ang komisyon ukol dito upang malaman ang ugat nito at kung sinadya ba ito o hindi.
Samantala, inihyag naman ni Garcia na batay sa kanilang isinagawang mga pagsusuri at verification ay lumabas na “fake news’ lamang ang una nang reklamong kanilang natanggap na kumalat din sa social media hinggil sa mga alegasyon na nakatanggap umano ng isang pre-shaded ballot ang isang botante sa Dubai.