-- Advertisements --
image 492

Kinondena ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia ang insidente ng pamamaril sa isang konsehal na tumatakbo bilang kapitan sa Barangay Malaya, General Luna sa Quezon province.

Naniniwala ang poll body official na may kinalaman ang insidente sa nalalapit na halalan na idaraos sa araw ng Lunes, Oktubre 30.

Nagpahayag ng pagkalungkot ang opisyal sa pagtaas pa ng bilang ng karahasan na maaari aniyang walang kaugnayan sa halalan subalit isinasabay ng mga kriminal kayat hindi na aniya matukoy pa kung ito ay election-related. Subalit ang mahalaga aniya ay nakaalerto ang kapulisan.

Kayat muling umapela ang opisyal sa Philippine National Police na palakasin pa ang kanilang mga ginagawang mga hakbang laban sa loose firearms at pagbuwa sa mga pribadong armadong grupo.

Una ng kinumpirma ng Comelec ang nangyaring shooting incident sa konsehal na si Ruben Ilagan Pasia na residente at tumatakbong kapitan ng Barangay Malaya sa General Luna sa Quezon province na nagtamo ng sugat mula sa tama ng baril nang pinaghahanap pang 2 suspek.

Ito na aniya ang ikalawang insidente ng pamamaril sa kandidato ng BSKE ngayong Oktubre.

Ang unang biktima ay tumatakbo naman bilang konsehal sa Bucay sa lalawigan ng Abra.

Top