Itutuloy pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbili ng mga election paraphernalia.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan para sa pagpapaliban ng 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong Disyembre.
Ayon kay Garcia, ang poll body ay “in full swing” para sa kanilang paghahanda para sa BSKE, na kinabibilangan ng mga briefing at pagsasanay sa kanilang mga matataas na opisyal.
Anoya ang mga paghahanda sa eleksiyon ay gawain ng Comelec kung kaya ay hindi maaaring kahit may posibilidad na pwedeng hindi matuloy hindi sila maghahanda.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Garcia na ang P8.4-bilyon na badyet para sa BSKE ay “intact” pa rin ngunit gagastusin nila nang tama o ang mga mapagkukunang ito upang maiwasan ang pag-aaksaya sakaling muling ipagpaliban ang lokal na botohan.
Sa P8.4 bilyon, sinabi ni Garcia na nasa P5 milyon na ang nagastos para sa rehistrasyon ng mga botante at pagbabayad ng mga manggagawang nag-overtime para sa paghahanda ng BSKE.
Idinagdag niya na ang mga materyales tulad ng mga papel at ballpen ay maaari pa ring gamitin sa susunod na halalan sakaling aprubahan ng Kongreso at ng pangulo ang panukalang batas na muling magpapaliban sa BSKE.