-- Advertisements --

Isusumite na ng Commission on Elections sa susunod na linggo ang mga dokumento na magpapaliwanag sa naging mabilis na transmission ng mga resulta ng halalan sa 2022.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, nasa mga kamay na ni Commissioner Marlon Casquejo ang dokumento at nakatakdang i-deliver ito sa Congressional Oversight Committee.

Ang nasabing committee ay siyang nagpo-focus sa pagsaggawa ng elections matapos ang approval at authorization ng commission’s en banc.

Kung maalala, humingi ng paliwanag sa Comelec ang mga dating opisyal ng poll watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr. sa mabilis na transmission ng May 2022 national at local elections na maaaring may irregularity.

Nauna nang sinabi ng ahensya ng halalan na ang mas mabilis na paghahatid ng mga resulta ng botohan ngayong taon ay dahil sa mas magandang pasilidad.