-- Advertisements --

Libo-libong tao ang nagkagulo sa buong Cebu matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol alas-9:59 ng gabi, araw ng Martes Setyembre 30, 2025.

Kabilang sa mga pinsala ay ang gumuhong Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan, Cebu, at nasira ang ilang bahagi ng simbahan.

Samantala, sa Bogo City, Cebu, kung saan ang sentro ng lindol, isang sikat na fast food chain ang napinsala sa istraktura nito, kadahilanang hindi ligtas na mapasukan ng mga tao, at nakaranas at nakaksi rin ang mga motorista ng malalaking bitak sa mga kalsada.

Samantala, pansamantalang nagtitipon din sa labas ang mga pasyente at ilang medical staff ng Cebu City Medical Center hospital sa Cebu City matapos ang malagim na lindol, kung saan 3 katao ang kumpirmadong nasugatan.

Naglabas din ng pahayag si Cebu City Mayor Nestor Archival na humihimok sa mga tao na manatiling kalmado sa sitwasyon, kahit na may inaasahang aftershocks.

Sa kasalukuyan, patuloy na kinukumpirma ang pagkakakilanlan ng sinasabing 13 kataong nasawi dahil sa lindol.

Gayunpaman, iilan sa mga paaralan sa Cebu City, Mandaue at iba pa ay nagdeklarang walang klase ngayong araw, Oktubre 1.

Samantala, sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu News Team kay Joel Erestain, ang Regional Director ng Office of the Civil Defense – 7, sinabi nito na ang Hilagang bahagi ng Cebu ang pinakanaapektuhan ng lindol, ngunit wala pa ring eksaktong datos kung may nasawi o bilang ng mga nasugatan, lalo na at ideniklara ang pagtaas ng magnitude ng lindol na mula sa dating 6.5 hanggang 6.9.

Sa kabilang banda naman, as of 2:00 AM ngayong araw, October 1, kinumpirma ng Bogo City ang 9 na matanda at 4 na bata ang patay, habang 4 na indibidwal ang namatay sa San Remegio, ayon sa Cebu Capitol PIO.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga awtoridad.