-- Advertisements --
image 101

Iginiit ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia nitong Linggo na ang poll body ay naglabas ng show cause order laban sa mahigit 5,000 kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ani Garcia, nakaka 5,200 na na-show cause order at mahigit 1,000 na ang sumagot. Sa 1,000, base sa initial assessment, 300 aniya ang hinog na hinog para sa disqualification.

Nitong Oktubre 6, naghain na ng 82 petition for disqualification ang Comelec Task Force Anti-Epal. Naisampa na rin ang mga kaso laban sa 10 kandidato para sa umano’y pagbili ng boto.

Sinabi ni Garcia na ang mga desisyon sa mga kaso ng disqualification ay ilalabas bago ang BSKE sa Oktubre 30.