Inaprubahan ng Commission on elections (Comelec) ang karagdagang P2,000 na honoraria para sa mga guro at iba pang mga nagsilbing election boards (EBs) na nag-overtime noong nagdaang halalan noong Mayo 9.
Ayon kay Comelec Commissioner Geroge Garcia na accross the board ang pagbibigay ng honoraria ibig sabihin parehong halaga ang ibibigay sa lahat ng poll workers anuman ang kanilang posisyon na nag-extend ng oras o naperwisyo noong halalan bunsod na rin ng pagkasira ng ilang makina.
Target aniya na maipamahagi ito bago ang Mayo 25 at sa kasalukuyan nasa proseso na ang poll body sa pagtukoy sa mga presinto na nagakroon ng aberya sa mga vote counting machines.
Ayon kay Garcia hinsi na nila ibabase kung anong oras o gaano kahaba ang overtime ng mga poll workers kundi tinukoy na lamang ang mga polling precincts na nagkaroon ng aberya sa mga VCMs para mabigyan ng naturang karagdagang honoraria.
Tinatayang nasa 1000 polling centers ang tinitignan ng poll body na mabigyan ng honoraria bagamat wala aniyang aproved budget para dito.