-- Advertisements --

loop: comelec // Impact Hub // Eleksyon 2022 presidential and vice-presidential debates

Ibinasura ng Commission on Elections ang paghingi ng bayad ng kumpanyang Impact hub Manila na nangasiwa sa Pilipinas Debate 2022.

Sa liham na nilagdaan ni Executive Director Teofisto Elnas Jr. ipinadala ng Comelec sa legal counsel ng Impact Hub Manila na si Ma. Karla Denise Frias. ay sinabi niya na hindi maaaring iproseso ang hiling na Php15.3 million na demand payment ng naturang kumpanya dahil sa kakulangan nito sa mga documentary requirements na kinakailangan para sa validity ng kanilang claim.

Aniya, ang anumang bayad ay maaaring kuwestiyonin ng Commission on Audit na posible namang mauwi sa reklamong kriminal, sibil, at administratibo laban sa komisyon.

Matatandaang, sa isa ring liham na mayroong petsang April 27, 2023 ay sinabi ng nasabing kumpanya na mayroon silang memorandum of agreement sa Comelec na patuloy na umiiral kahit na nagdesisyon ang poll body na gawing unilaterally reschedule at kalauna’y kanselahin ang naturang sa debates.

Dahil dito ay nagbabala ang kumpanya na gagamit ito ng legal remedies sa ilalim ng mga umiiral na batas sa bansa upang mabawi nito ang umano’y utang sa kanila ng Comelec at upang maprotektahan din ang interes ng kumpanya.

Ngunit sagot ng komisyon, na batay anila sa kanilang kasunduan ng Impact Hub ay walang sisingiling professional services hinggil sa idinaos na Pilipinas Debate 2022.