-- Advertisements --
image 534

Hinimok ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang mga miyembro ng Kongreso na palawigin ang mga oras ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang magsara ng alas-5 ng hapon sa halip na alas-tres ng hapo para sa susunod na BSKE.

Ito ay dahil sa kawalan ng oras ng mga botante dahil sa mahabang linya sa mga site.

Aniya, ito rin ay upang magkaroon ng sapat na oras ang mga botante na bumoto.

Dahil ani Garcia, kapos kasi ang oras na alas-3 sapagkat boboto sa SK at Barangay, na kung saan talagang mahaba aniya ang inaabot sa pila ng publiko.

Giit ng COMELEC na ilang botante rin ang nagreklamo tungkol sa mahabang linya at hindi maayos na sistema ng lokal na halalan.

Una na rito, milyun-milyong rehistradong Pilipino ang dumagsa sa mga paaralan at presinto sa buong bansa upang bumoto para sa BSKE ngayong araw.