ILOILO CITY – Magsasagawa ng Women and Elections Seminar ang Commission on Elections (COMELEC) sa Lungsod ng Iloilo.

-- Advertisement --

Ito ay pangungunahan mismo ni COMELEC Commissioner Socorro Inting na siya ring chairperson ng Gender and Development Focal Point System.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Inting, sinabi nito na 180 babaeng kandidato sa Western Visayas ang inaasahang dadalo sa nasabing seminar.

Ayon kay Inting, nais nitong bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan at ipaunawa na dapat bigyan sila ng patas na pagkakataon na makisali sa halalan.

Ang serye ng seminars ang nagsimula dalawang taon na ang nakalipas kung saan matapos ang Western Visayas, sunod nilang dadayuhin ang Baguio City.