CAUAYAN CITY – Kabuuang 3,260 ang naitalang registered voters ng COMELEC Cauayan City magmula noong July 4 hanggang noong Martes na inaasahang boboto sa SK at Barangay Election sa buwan ng Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 at City Election Officer ng Cauayan na maituturing nilang marami na ang nakapagparehistro dahil nag-aaverage sila ng apat na raan kada araw.
Karamihang nagpaparehistro ay ang mga botante sa SK election na may edad 15 hanggang 18 pababa maging ang 18 pataas ay marami rin ang nagpapatala.
Mayroon ding ilang nagpapa-transfer at nagpa-reactivate ng kanilang pangalan para makaboto.
Sinabi pa ni Atty. Cortez na maaring may 1,200 hanggang 1,400 ang inaasahan nilang magpapa-rehistro hanggang sa huling araw ng pagpaparehistro sa July 24.