-- Advertisements --

Binigyan ng Commission on Election (COMELEC) ng limang araw ang kampo ni Cagayan Governor Manuel Mamba para maghain ng motion for Reconsideration (MR) sa inilabas na disqualification order ng 1st Division ng COMELEC.

Mananatili pa rin sa kaniyang tungkuling ang gobernador hanggang wala pang pinal na desisyon.

Magugunitang noong 2022 ay naglabas ang 2nd Divisio ng Comelec ng disqualification order laban kay Mamba kung saan ibinasura din ito ng Comelec En Banc.

Sa panig naman ng gobernador na nanawagan ito sa mga mamamayan niya maging mahinahon at tiniyak niyang handa nito ng harapin ang mga asunto laban sa kaniya.