Nakafull-alert at handa na ang Philippine Security Forces at Commission on Elections (Comelec) para sa inaabangang halalan bukas, Mayo 9.
Kaugnay nito, nagsagawa ang ilang Comelec commissioners at opisyal ng security forces ng bansa ng walkthrough inspection sa Philippine International Convention Center kung saan magtitipon ang National Board of Canvassers (NBOC) bukas.
Present sanaturang inspeksyon sina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioner George Garcia, Spokesperson Director John Rex Laudiangco, Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Vicente Danao Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Andres Centino, at Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Artemio Abu.
Sa naturang press briefing, tiniyak ni Danao na nakahanda ang nasa 225,000 PNP personnel para siguruhin ang accurate at patas na election.
Inanunsiyo din ni Danao na ang implementation ng nationawide total liquor ay epektibo noong gabi ng Sabado, May 7 hanggang sa araw ng Lunes, May 9.
Nagbabala din ang PNP OIC na ang mga magtatangkang magsagawa ng camoaign activities ay aarestuhin.
Nakaalerto na rin AFP personnel kasama ang naval at air assets para sa May 9 elections.










