-- Advertisements --
bske

Inihayag ng Commission on Election na 100% handa na sila para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni COMELEC spokesperson Atty John Rex Laudiangco na halos 92 milyong balota na gagamitin para sa halalan ay naimprenta na.

Aniya, ang natitira na lamang na gagawin ng Comelec ay ang pag-imprenta ng karagdagang balota para sa mga bagong botante at para sa mga nareactivate na 1.6 milyon.

Ang pag-iimprenta ay aniya kayang tapusin sa loob ng tatlong araw.

Batay sa pinakahuling numero na naunang inilabas ni Laudiangco, mayroong 2,076,491 ang nagproseso ng kanilang pagpaparehistro sa pamamagitan ng regular na proseso, habang 8,651 ang nagparehistro sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project.

Ang pinakahuling mga numero ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga nagparehistro sa 2,085,142 para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Binigyang diin din ni Laudiangco na suportado nila ang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga senior citizen o mga nasa edad 60 pataas gayundin ang mga persons with disabilities (PWDs) na bumoto nang mas maaga kaysa sa itatakdang araw ng halalan.