Winasak ng mga raliyista ang slave trader’s statue sa Bristol, United Kingdom sa ikalawang araw ng nagaganap na anti-racism protest sa buong Britanya.
Ilang pulis naman sa Central London ang naglabas ng dispersal order para sa syudad ng Westminster na nakikiusap sa bawat nakatira rito na pansamantala munang lisanin ang lugar dahil sa kaguluhan.
Libo-libong raliyista rin ang nagsama-sama sa ilang syudad sa United Kingdom tulad ng Bristol, Manchester, Wolverhampton, Nottingham, Glasgow at Edinburgh.
Tahasang nilabag ng mga ito ang ipinatupad na coronavirus lockdown sa bansa maging ang babala ng mga pulitiko.
Ang malawakang kilos-ptotesta ay pakikiisa ng mga Briton sa Black Lives Matter movement na may kaugnayan sa pagkamatay ng African American na si George Floyd mula sa kustodiya ng mga pulis ng Minneapolis.










