-- Advertisements --
Sinuspinde ni Colombian President Gustavo Petro ang ceasefire na ipinatupad sa main drug trafficking cartel group Gulf Clan.
Sinabi nito na hindi tumigil ang grupo na naghahasik ng takot sa kanilang bansa.
Dahil dito ay ipinag-utos niya sa mga otoridad na arestuhin ang nasabing criminal gang.
Ang nasabing ceasefire ay unang ipinatupad noon pang Disyembre bilang bahagi ng plano ng pangulo na tuluyang magkaroon ng kapayapaan sa kaniyang bansa.
Noong nakaraang mga linggo aniya ay inakusahan ng pangulo na ang grupo ang siyang nasa likod ng mga iba’t-ibang karahasan sa kanilang bansa.