Pasok na sa Round of 16 ng FIFA World Cup 2026 ang pambansang koponan ng Colombia matapos patalsikin ang Ghana sa naging bakbakan sa Kansas City Stadium.
Mula sa simula, naging agresibo ang pag-atake ng mga Colombian sa court ng kalabang koponan.
Maagang ipinasok ng naturang team ang midfielder na si Jhon Arias na agad ding gumawa ng goal, 14 na minuto lamang ang nakakalipas mula sa pagsisimula ng naturang laban.
Sa tulong ng center-forward na si Luis Suárez, naging maganda ang opensa ng Colombian team. Bago ang unang goal ay gumawa si Suarez ng long-range pass (cross) na agad sinalo ni Arias.
Hindi naman napigilan ng Ghana ang goal attempt ng Colombian midfielder at dinanas ang 0-1 deficit.
Sinubukan pang pumalag ng Black Stars ng Ghana sa pangunguna nina Antoine Semenyo at Iñaki Williams sa second half, ngunit nanatiling solido ang depensa ng Colombia.
Sa huli, hindi napagbigyan ang African team na makapagpasok ng anumang goal at natapos ang bakbakan sa iskor na 1-0, pabor sa mga South American powerhouse team.
Haharapin ng Team Colombia ang Switzerland sa Round of 16. Ang mananalo sa pagitan ng dalawa ang uusad sa quarterfinals.










