-- Advertisements --

Humingi ng tulong sa ibang bansa ang Colombia dahil sa nararanasang wildfires.

Idineklara na rin ni President Gustavo Petro na ang situation of disaster and calamity.

Tumugon naman ang mga bansang Peru, Chile, US at Canada sa panawagan ng Colombia dahil sa malawakang wildfires.

Ang malawakang sunog ay bunsod ng mainit na panahon na nararanasan sa bansa dahil sa El Nino.