-- Advertisements --
CODE TEAM Laguna
IMAGE | CODE team, led by Health Sec. Francisco Duque III, facilitated the Laguna Task Force against COVID-19
coordination meeting today at Hotel Marciano, Barangay Real in Calamba City, Laguna/DOH-MRU

Agad kumilos at nagtungo sa ilang komunidad ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team, sa pamumuno ni Health Sec. Francisco Duque. Ito ay kasabay nang pagsisimula ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Nitong araw, biyaheng Laguna ang CODE team kung saan nakipagpulong ang hanay sa provincial government.

Sa naturang meeting, inihayag ni Gov. Ramil Hernandez ang mga hakbang na ginagawa ng kanyang lalawigan para respondehan ang COVID-19 cases ng Laguna.

Nagbahagi din ng ilang payo ang grupo ng mga opisyal para mapanatili ng probinsya ang protocols nito sa gitna ng mahigpit muli na lockdown.

Sa huling tala ng provincial government, 2,728 pa ang kanilang active cases. Mayroon namang apat na lisensyadong COVID-19 testing laboratory sa Laguna.

“We are here to support you in any way possible. This isn’t a war fought by the national government or the local government alone. Everyone has a role to play. We implore everyone to BIDA Solusyon and strictly observe our minimum health standards,” ani Sec. Duque.

Bukod sa Health chief, present din sa meeting sina Interior Sec. Eduardo Año, National Action Plan Against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, Jr., at COVID-19 Czars Sec. Vince Dizon at Usec. Leopoldo Vega.

Nitong Martes una nang binisita ng ilang opisyal mula sa grupo ang Navotas City, kung saan kanila ring sinilip ang mga ginagawang hakbang ng local government unit laban sa COVID-19.

May 662 active cases ang lungsod. Ayon kay Dr. Christia Padolina, city health officer ng Navotas, nagresulta ng lockdown sa ilang lugar ng siyudad ang naitalang mataas na kaso ng sakit noong kalagitnaan ng Hulyo.

“Thank you to the National Government and to the IATF for always supporting us and for
donating test kits,” ani Padolina.

Binisita rin ni Sec. Duque ang swabbing center at isolation facility ng lungsod at ang Brgy. Northbay Boulevard Dagat-Dagatan na isinailalim sa mahigpit na lockdown kamakailan.

“We salute the city for doing a great job in its response against COVID-19. We ask for your
assistance in delivering our message to everyone.”

Isa ang pagde-deploy ng CODE team sa mga stratehiyang inilatag ng DOH matapos makipagpulong sa medical groups na umapela ng dalawang linggong “time out” sa Metro Manila.