Jose Saguban Davao 2
IMAGE | Jose “Mang Jose” Saguban receives his recognition at International Cocoa Awards in Paris, France/Auro Chocolate

Bida ngayon ang isang cocoa farmer mula Davao matapos kilalanin ang kanyang produktong chocolate sa International Cocoa Awards in Paris, France.

Isa si Jose Saguban ng Auro Chocolate sa 20 ginawaran ng prestihiyosong parangal na kumikilala sa mga natatanging cocoa producers.

“When we found out he made it to the Top 50, we were already ecstatic so we decided to bring him to Paris to receive his award in person… Little did we know he would make it to the Top 20 best cacao beans in the world, we have no words!” ayon sa Auro Chocolate.

“Thank you to Mang Jose for his hard work, dedication and motivation to keep getting better!”

Mula sa 50 high-quality cocoa samples na naglaban-laban para sa Cocoa of Excellence Programme, 20 lang ang napili para bigyang parangal.

Personal na tinaggap ni Saguban, o mas kilala sa pangalang “Mang Jose” ang award sa Paris noong October 30.