-- Advertisements --
Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang certificates of candidacy (COCs) ng independent candidate na si Arlene Josephine Butay.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dalawang COCs kasi ang isinumite ni Butay.
Napag-alaman kasi na naghain ng kanyang COC si Butay para sa pagka-bise presidente at senador.
Sa ilalim ng batas at Comelec regulations, ang kandidato na maghahain ng COC para sa dalawa o mas marami pang posisyon ay hindi magiging eligible sa mga tatakbuhan nito.
Base sa listahan ng Comelec, si Butay ay naghain ng kanyang COCs noong oktubre 8, ang huling araw ng COC filing para sa May 2022 polls.