-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos mabatid na kulang ang ayudang natanggap ng mga sundalon sugatan sa pakikipaglaban sa Marawi City.

Batay sa 2018 audit report ng COA sa AFP, natukoy na hindi pa umabot sa P10,000 ang tulong na natanggap ng injured na mga sundalo, sa kabila ng halos P280-milyong halaga ng donasyon na natanggap ng gobyerno.

Sa listahan ng Sandatahang Lakas, lumabas na nasa halos 2,000 ang bilang ng mga sundalong nasugatan sa bakbakan. Habang nasa halos 300 ang nasawi.

Ayon sa COA, walo lang mula sa mga nasawing sundalo ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng kautusan noong 2017 na nagsabing dapat makatanggap ng tig-P1 milyon ang mga namatay na sundalo.

Samantalang sa mga sugatan ay halos 950 lang daw ang nakatanggap na ayuda.

Sa kabila nito, kapansin-pansin daw ayon sa COA ang pagtanggap ng halos 450 sa mga ito ng hind aabot sa P10,000 tulong.

Kaya kung susumahin daw ay nasa 5-porsyento lang ng natanggap na mga donasyon ang nagastos ng AFP.

Bukod dito, pinuna rin ng COA ang higit P250-milyon mula sa donated funds na tinransfer umano ng AFP sa implementing agencies.

Ayon sa state auditors, hindi nagbanggit ng pangalan ang AFP kung alin sa mga tanggapan ang pinaglaanana ng pondo.

Bilang tugon, nagsumite ang AFP ng kopya ng kanilang panuntunan sa pagbibigay ng cash assistance sa mga sundalo.