-- Advertisements --
Naglabas ng notice to airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines para i-alerto ang mga piloto sa bansa.
Epektibo mula alas-7:45 ng kaninang umaga hanggang alas-8:15 ng umaga ng Setyembre 1, 2023 ang inilabas na notice to airmen ng naturang tanggapan.
Ayon sa CAAP, ang nabanggit na mga araw kasi ay ang kaparehong panahon kung kailan magsasagawa ng satellite launching activities ang North Korea sa mga specific geographical coordinates.
Kaugnay nito ay pansamantala rin munang isasagawa ang ilang mga area navigation route segments ngunit may italaga namang alternatibong mga ruta ang ahensya para sa mga aircraft navigation sa nasabing panahon.
Matatandaang una nang napaulat na nag launch ang North Korea ng space rocket.