Nanawagan ang Commission on Audit sa publiko na makipagtulungan para ma-expose ang korupsyon sa bansa.
Ginawa ni COA Commissioner Roland Café Pondoc ang naturang apela, kasunod na rin ng pagnanais ng Komisyon na mabantayan ang resources ng pamahalaan at makapagbigay ng transparent report sa mga pinagkakagastusan nito.
Kailangan, ayon kay Commissioner Pondoc, na makipagtulungan ang publiko o mga taxpayers upang maging mabilis ang pagtukoy sa mga iregularidad sa pamahalaan.
Ayon sa COA, welcome ang sinumang indibidwal na may kaalaman o anumang impormasyon ukol sa anumang programa, proyekto, o aktibidad na ipinapatupad ng pamahalaan na may mantsa ng kurapsyon.
Maging ang mga reklamo aniya laban sa mga public officials o empleyado ng pamahalaan na may nagawang anomalya, lalo na sa paggasta ng public funds, ay welcome din sa imbestigasyon ng komisyon.
Maaari aniyang maghain ang mga ito in person, o sa pamamagitan ng mail, online, o gamit ang COA Citizens Desk Reporting System at https://cdrs.coa.gov.ph.
Sa kabila ng naturang panawagan, nilinaw din ng opisyal na ang mga unverifiable allegations, na kinauugnayan ng tinatawag na insignificant amounts, na sa labas na ng hurisdikasyon ng COA, ay hindi tatanggapin ay posibleng i-dissmiss kaagad ng komisyon.