-- Advertisements --
Naging makulay ang ginanap na closing ceremony ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Personal na pinanood ni Chinese primier Li Qiang ang closing ceremony na ginanap sa isang stadium na puno ng mga nanood.
Nakasuot ng mga makikintab at kumikinang na mga kasuotan ang mga peformers.
Tinanggap naman ng Nagoya City, Japan ang susunod na hosting ng Asian Games sa 2026.
Magugunitang isang taon na naantala ang Asian Games noong 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.
Nahigitan ng host country na China ang gold nila noong 2010 na mayroong 199 lamang habang ngayon ay mayroong 201.