-- Advertisements --
Target ng Los Angeles Clipper na maitabla sa 1-1 ang Game 2 Western Conference Finals nila ng Phoenix Suns.
Ito ay matapos na makuha ng Suns ang unang panalo noong nakaraang 120-114.
Dobleng hamon din ang kinakaharap ng Clippers sa Game 2 dahil sa bukod sa Phoenix Suns Arena ang home court ng kanilang kalaban gaganapin ang laro ay hindi rin makakapaglaro ang kanilang star player na si Kawhi Leonard dahil sa injury.
Naging kuwestiyonable rin na makapaglaro si Marcus Morris dahil sa may iniinda itong injury na kaniyang nakuha sa game 1.
Magugunitang bumida si Daven Booker sa panalo ng Suns na nagtala ng 40 points, 13 rebounds at 11 assists noong Game 1.