-- Advertisements --

Nakikita na ng mga researchers mula India ang tagumpay sa kanilang ginagawang herbal medicine para sa mga taong dinapuan ng coronavirus disease.

Ito’y matapos ang ika-90 at huling subject para sa clinical trial ng naturang gamot kung saan 72 dalawa sa mga ito ang katatapos lamang sumailalim sa trial.

Ang grupo ay binubuo ng mga representante mula Indonesian Institute of Sciences at Association of Indonesian Doctors for the Development of Traditional and Herbal Medicine.

Layunin ng mga ito na gumawa ng dalawang herbal medicine na makakatulong upang palakasin ang immune system ng isang COVID-19 patient.

Ang naturang mga gamot ay “immunomodulator drugs” na siyang tutulong sa stimulation at pag-suppress ng components ng immune system, kasama na rito ang innate at adaptive immune responses.

Paalala naman ng mga researchers sa publiko na hindi ito isang bakuna para sa deadly virus. Hindi rin daw dapat ito gamiting rason upang lumabas sa mga health protocols.

Ang herbal medicines na ito ay gawa sa luya, gripeweed, green chiretta at Ngai camphor.