Tinukoy na ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang target sites para sa clinical trials nang COVID-19 vaccines na ginawa ng Janssen, Clover at Sinovac.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevara na wala pang tiyak na petsa na napipili sa kung kailan sisimulan ang naturang clinical trials.
Kabilang sa mga lugar na napili nila para sa clinical trials ay ang sumusunod:
- San Pablo and Cabuyao, Laguna; Makati City, La Pa, Iloilo; Bacolod City; at Metro Manila para Janssen
- Quezon City, Makati City, Manila City, Taguig City, Las Piñas City, Muntinlupa City; Calamba, Laguna; at Dasmariñas, Cavite para sa Clover
- Quezon City, Marikina City, Pasay City, at Alaminos, Laguna para sa Sinovac
Magugunita na Disyembre 29, 2020 nang aprubahan ng Food and Drugs Administration ang Phase 3 clinical trial application ng Janssen para sa kanilang COVID-19 vaccine.
Noon namang Enero 8, 2021 nang aprubahan ng FDA ang clinical trials para sa COVID-19 vaccine ng Chinese firm na Clover Biopharmaceuticals AUS Pty Ltd.
Nitong linggo lamang nang binigyan din ng go signal ng FDA ang clinical trials para sa COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech,










