Inamin ng Department of Health (DOH) na nagsimula ang clinical trials sa gamot na Avigan bilang posibleng treatment drug sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire noong November 20 pa opisyal at pormal na nagsimula ang clinical trials matapos magkasundo ang mga eksperto na aprubahan ang revisions sa protocol ng recruitment.
“We already have eight participats: tatlo sa PGH (Philippine General Hospital) at Tala (Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital), dalawa sa Labor Hospital (Quirino Memorial Medical Center), at sa Sta. Ana Hospital has still yet to recruit participant,” ani Vergeire.
Sa ilalim ng inaprubahang revised protocol, dinagdagan pa sa 144 ang total ng trial participants. Ikinonsidera na rin daw ng mga eksperto na isali sa clinical trial ang mga non-severe COVID-19 patients with/without pneumonia, at mga hindi naka-high-flow oxygen support.
“Mayroon na tayong less stringent criteria para mag-include ng patients para dumami yung nire-recruit nating pasyente.”
Ang Avigan drug ay kilala gamot sa bansang Japan laban sa flu. Nagbigay ang Japanese government noong Hulyo ng supply ng gamot sa bansa para sa nakatakdang clinical trial.