-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng isang Japanese pharmaceutical company ang clinical trial para sa Avigan, isang anti-flu drug na posibleng gamot sa COVID-19.

Binabalak ng naturang kumpanya na isagawa ang clinical trial sa 96 pasyente sa Japan mula Marso hanggang sa huling araw ng Hunyo. Subalit aminado ito na magiging mabagal ang progreso ng trial dahil sa pagbaba ng bilang ng mga taong nagpoposibo sa coronavirus.

Ayon sa ilang researchers, hindi pa nila matukoy kung gaano ka-epektibo ang gamot bilang panlaban sa nakamamatay na virus ngunit plano ng mga ito na tapusin ang pag-aaral sa buwan ng Agosto.

Samantala, nabatid naman sa experiment na isinagawa sa ilang hayop na may posibleng side effect ang gamot sa mga fetus ngunit wala umano silang naitala na seryosong reaksyon mula sa 3,000 katao na binigyan ng parehong gamot.