Suspendido na ang office work sa Philippine National Railway (PNR) Executive Building dahil sa cleaning at disinfecting sa loob ng ilang araw.
Isasagawa ito mula ngayong March 12 hanggang sa March 15, araw ng Linggo.
Ang cleaning at disinfecting ay bahagi ng precautionary measure laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa advisory ng PNR, alinsunod sa protocol ng Department of Health (DoH), magsasagawa ng cleaning and disinfecting sa mismong PNR building sa Tutuban sa Maynila.
Sinabi naman ni Joseline Geronimo, tagapagsalita ng PNR, na tuloy-tuloy ang normal na operasyon ng mga tren ng PNR.
Pero, gagawin pa rin ang protocol na paglilinis at pag-disinfect sa bawat tren pagkatapos ng kada loop o biyahe.
Pagtitiyak ni Geronimo na prayoridad ng PNR ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero nila, lalo’t may banta ng COVID-19.