-- Advertisements --
Magiging sapat na ang 18 araw na makakasama ng Gilas Pilipinas si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson sa kanilang ensayo bago ang pagsabak sa FIBA Basketball World Cup.
Sinab ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na diretso na sa China si Clarkson kung saan doon sila magsasagawa ng pocket tournament.
Mas malaking hamon aniya ang kinakaharap nila ngayon kumpara noong 2014 dahil sa limitadong araw na makakasama nila si Jordan sa ensayo.
Aminado pa ang Gilas chot na hindi pa sila 100 percent na handa para sa World Cup dahil sa may mga adjustment pa silang gagawin sa paglahok nina Clarkson at si Kai Sotto.
Magugunitang nagiging kuwestiyonable ang kalagayan ni Sotto dahil sa iniinda nitong injury sa likod.