
Kinumpirma ng pamunuan ng Clark International Airport na simula mamayang alas-4:00 ng hapon ay balik operasyon na ang paliparan matapos maapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol kamakailan.
Ayon kay CIA president at chief executive officer Jaime Melo, patapos na ngayong umaga ang ginagawang repair sa mga nasirang salamin at kisame ng departure check-in area.
“Clark airport is business as usual, from counters to manifest to boarding gates,” ani Melo.
Pinayuhan naman nito ang mga naapektuhang pasahero na patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline companies para sa schedule ng delayed flights.
“May we remind the riding public to kindly check or coordinate with their respective airlines for confirmation of their flight schedules via Clark beginning April 24,” dagdag ng opisyal.
Sa ngayon, gumagana na raw ang mga check-in counter at boarding gates ng paliparan.
Dagdag pa ni Melo, pagbabayarin din nila ang contractor ng airport na EM Querpo kapag napatunayang substandard ang mga ginamit nito sa konstruksyon noon.










