-- Advertisements --
Nagambala ng bomb threat ang Claret School of Quezon City ngayong araw. Dahil dito, napilitang isuspinde ng pamunuan ng paaralan ang klase sa lahat ng antas.
Sa inilabas na pahayag ng paaralan sa online page nito, kinumpirma nilang walang natagpuan na bomba o anumang uri ng hazardous components ang Quezon City Police District at Explosive Ordnance Disposal Canine Group.
Ayon sa QCPD, 7:30 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat ang paaralan sa kanilang email.
Agad namang tumawag ng police ang pamunuan ng Claret School at inilikas din nito ang lahat ng staff at estudyante.
Nanawagan din ang paaralan na maging maingat at iwasang magbahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon para makaiwas umano na mag-panic ang publiko.