GENERAL SANTOS CITY – Matapos pinasinayan ang Archive Building sa Hall of Justice nitong lungsod, muling babalik ng General Santos City si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamen para pasinayan naman ang tatlong bagong korte.

Nauna nang pinasalamatan ni Bersamen ang lokal na pamahalaan ng General Santos sa paglikom ng P10 milyon na pondo para ipatayo ang pinaka unang Archive Building sa buong bansa.

Hangad din ni Bersamin na makapagpatayo din ng kanilang sariling Archive Building para lagyan ng mga dokomento at ebedinsya.