CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapasagot ng Police Regional Office 10 ang puwersa ng Cagayan de Oro City Police Office kung bakit hindi sila mananagot sa pagkapasok ng organized robbery group na tumira sa isang jewelry pawnshop na kahit nasa kagsagsagan ng mahigpit na seguridad ang buong syudad.
Ito ay matapos wala pa ring naibigay na ‘significant development’ ang mga imbestigador laban sa mga tulisan na tumangay sa nasa siyam na milyong piso na halaga ng mga alahas sa nasabing highway robbery incident.
Sinabi ni PRO 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na bagamat tukoy ng ang grupo na tumira sa syudad subalit nagpapatuloy ang ginawa nila na imbestigasyon patungkol sa pangyayari at kakulangan ng kanilang mga tauhan dahilan na naganap ang kremin.
Magugunitang nasa mataas na alerto ang seguridad ng syudad dahil papalapit na ang kapistahan ng Patron San Agustin kung saan nakalinya ang maraming mga aktibidad hanggang sa Agosto 28 nitong taon.