-- Advertisements --

Itinuturing pa rin na panalo ni actress-singer Ciara Sotto ang ama na si Senator Tito Sotto kahit bigo ito sa pagtakbo sa pagka-bise presidente ng bansa.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng actress ang larawan nila ng ama.

Kahit na hindi nagtagumpay sa bilangan ay panalo pa rin aniya ang ama sa pagmamahal.

Pinasalamatan din nito ang mga tao na nakasama ng ama sa kampanya.

Magugunitang nag-concede na si Sotto nitong Mayo 10 kung saan iginagalang nito ang desisyon ng taumbayan sa halalan.