-- Advertisements --

Naglatag naman si CIA Director Bill Burns ng mga proposal para sa ceasefire sa Gaza at pagpapalaya ng mga hostages.

Ang pinakahuling proposal ay ibinanggit nito sa ginawang pagpupulong sa Cairo.

Kabilang dito ang panghihikayat sa Israel na palayain ang mga nakakulong na Palestino kapalit ang bihag na hawak ng Hamas mula pa noong Oktubre 7.

Kasama sa mga nagbigay ng mga suhestiyon ay ang mga opisyal ng Qatar, Egypt at Israel.

Sa panig naman ng Hamas ay kanilang pag-aaralang mabuti ang mga panibagong proposal.