-- Advertisements --
Hindi maiwasang punain ng actress na si Chynna Ortaleza na batikusin ang pagkakaroon ng mataas na presyo ng RT-PCR test.
Kasunod ito ng pagpositibo niya at asawang si Kean Cipriano sa COVID-19.
Nagtaka lamang ito dahil sa naging sobrang maingat sila sa kanilang bahay at mahigpit nilang sinusunod ang health protocols.
Wala rin aniya silang mga direct contact na nagpositibo ng nasabing virus.
Dagdag pa nito na naging epektibo ang nasabing bakuna laban sa COVID-19 kaya pinayuhan ang mga fans na magpaturok ng bakuna.
Nanawagan din ito sa gobyerno na dapat maging abot kaya na lamang ang RT-PCR test para marami ang makapag-test at malaman kung sila ay positibo sa virus.