-- Advertisements --

Nilinaw ni Chynna Ortaleza na hindi umalis sa bandang “Callalily” ang asawang si Kean Cipriano.

Kasunod ito sa kumalat na usapin na tuluyan ng iniwan ni Kean ang kaniyang banda matapos ang 17 taon na pagsasama.

Sinabi ni Chynna na nag-“disengageed” lamang ang asawa at hindi talaga lumayas sa banda.

Ilan sa mga rason nito kaya ginawa aniya ng asawa ay dahil nais nito na magkaroon ng creative freedom, growth at longevity.

Dismayado muna si Kean na mayroong mga negatibong komento ang lumabas dahil sa pag-alis umano nito sa banda.

Isa rin aniya na dahilan ay ang nais nito ng tutukan ang trabaho bilang CEO ng O/C Records lalo na sa mga paggawa ng mga kanta para sa mga bago nilang talents.

Paglilinaw nito na naging masakit sa asawa ang pag-alis sa asawa subalit kailangan niya itong gawin para sa ikakabuti rin nito.