-- Advertisements --

Muling nanguna ang American pop diva Mariah Carey sa Billboard Hot 100 chart.

Ito ay dahil sa pangunguna ng kaniyang kantang “All I Want For Christmas” kung saan nahigitan niya Taylor Swift na nanguna ng ilang linggo sa listahan.

Sumunod din sa listahan ang Christmas song na “Rockin’ Around The Christmas Tree”, “Jingle Bell Rock” at “A Holly Jolly Christmas”.

Pinasalamatan naman ng beteranang singer ang mga fans dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kaniyang kanta.

Hawak ni Carey ang may number 1 na kanta sa Billboard Hot 100 na aabot na sa 19.