Umaasa ngayon ang Commission on Human Rights na magiging daan para sa mas magpapatibay pa sa pagsunod sa due process at rule of law ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa usapin ng red-tagging.
Kasunod ito ng kamakailan lang na naging kautusan ng Korte Suprema na tumutukoy sa red-tagging, vilification, labeling, at guilt by association bilang banta sa buhay, kalayaan, karapatan, o seguridad ng isang indibidwal.
Sa isang statement sinabi ng CHR na umaasa ito na ang naturang desisyon ng kataas-taasang hukom ay magtatakda ng matibay na Legal precedent para sa mga kaso sa korte na may kinalaman sa red-tagging partikular na sa pagsunod sa angkop na proseso at tuntunin ng batas bago gumawa ng mga seryosong akusasyon na nagsasapanganib sa mga karapatang pantao at dignidad,
Kasabay nito ay binigyang-diin din ng komisyon ang karapatan ng bawat isa para sa kaukulang proteksyon at fundamental rights bilang isang mamamayan.